^

Police Metro

BRP Cabra hinarang ng CCG vessel

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mapanganib na pag­harang ang ginawa ng China Cost Guard (CCG) laban sa BRP Cabra na nagsasagawa ng maritime patrol, malapit sa Bajo de Masinloc noong Lunes.

Ito ang ibinunyag kahapon ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela na kung saan dinagdagan ng CCG vessel 21612 ang bilis nito, sa timog na bahagi ng Bajo de Masinloc, at saka nagmaniobra laban sa BRP Cabra, upang maharang ang ruta nito nagsagawa ang isang barko ng China Coast Guard (CCG).

Dagdag pa ni Tarriela, ang naturang insidente ay nagpapakita lamang sa hindi pagtalima ng CCG sa International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS), gayundin sa tahasang pagbalewala sa kaligtasan sa karagatan.

“While coast guards are typically recognized as enforcers of maritime safety and humanitarian organizations, the actions of the People’s Republic of China diverge from these norms,” pahayag pa ni Tarriela.

Tiniyak naman ni Tarriela na patuloy ang BRP Cabra, sa ilalim ng pamumuno ng female skipper na si LCDR Hanna Yanez, sa aktibong pagpapatrulya sa karagatang sakop ng Zambales upang hadlangan ang mga pagtatangka ng CCG na i-normalize ang kanilang ilegal na pagpapatrulya sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Iginiit pa ni Tarriela na nagsasagawa ang PCG ng maritime patrols, alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), 2016 Arbitral Award, at sa Philippine Maritime Zones Act.

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with