Pagbagsak ng poste, hindi makakaapekto sa integridad ng MRT-7
MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Department of Transportation (DOTr) na hindi makakaapekto sa integridad ng buong Metro Rail Transit-7 (MRT-7) ang naganap na pag-collapsed ng isa sa mga poste nito sa Quezon City kamakailan.
Ayon kay DOTr spokesperson Ramon Ilagan, sa ngayon ay iniimbestigahan pa nila ang insidente at nangangalap ng ulat hinggil dito.
Paniniguro pa ni Ilagan, maaari pa ring matuloy ang partial operations ng MRT-7
Napaulat na ang bored pile ng train system, na magsisilbing pundasyon para sa elevated turnback guideway, ang nag-collapsed noong Linggo ng hapon. Wala namang nasaktan sa insidente.
- Latest