^

Police Metro

Bong Go ang una, ‘Duter10’ umarangkada

Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa nakuhang suporta ng publiko ang mga kandidatong kaalyado ni da­ting Pangulong Rodrigo Duterte, batay sa pinakabagong Pulse Asia senatorial preference survey na isinagawa mula Enero hanggang Marso 2025.

Ang pataas na trajectory ng tinaguriang ‘Duterte Ten’ o ‘Duter10’ ay sumasalamin sa matatag na lakas ng kanilang political coalition bago ang 2025 midterm elections.

Si Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health, ang nananatiling nangunguna sa mga kandidato, na mula sa 50.4% noong Enero at 58.1% noong Pebrero, ay umakyat pa 61.9% noong Marso. Nadagdagan ang kanyang puntos ng 11.5 sa loob ng tatlong buwan.

Nagpakita rin si Senador Ronald “Bato” dela Rosa ng tuluy-tuloy na pagtaas, 41.2% noong Enero at 44.3% noong Pebrero, ay 48.7% na nitong Marso—kabuuang dagdag na 7.5 puntos. Si Congressman Rodante Marcoleta ay tumaas mula 12.5% ??noong ­Enero, 16.1% noong Pebrero at naging 28.3% noong Marso, o 15.8-puntos na pagtalon.

Nagtala rin si Jimmy Bondoc ng pag-akyat mula 4.6%, naging 11.8% hanggang 20.4%. Nagposte naman si Jayvee Hinlo ng kapansin-pansing pagtaas na 14.3 puntos, mula sa 1.2% noong Enero, 6.4% noong Pebrero at 15.5% noong Marso. Mahigpit na sumunod si Raul Lambino na tumaas mula 1.4%, 7.0% hanggang 15.2%—o 13.8 kabuuang puntos.

Si Phillip Salvador ay umakyat din mula 18.4% noong Enero, 20.7% noong Pebrero at 30.9% nitong Marso, o pagtaas ng 12.5 puntos sa kabuuan. Lumobo rin nang 12.2 ang puntos ni Victor Rodriguez, mula 3.6%, 8.7% hanggang 15.8%.

Mula 3.0% noong ­Enero hanggang 6.8% noong Pebrero at 11.4% noong Marso, nakahamig din si Pastor Apollo Quiboloy ng 8.4-puntos na pagtaas. Nagpakita rin ng paglago si Doc Marites Mata, mula 0.5%, 2.6% hanggang 8.7%, sa taglay na 8.2-point gain.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with