Smuggled vape products may lason – Marcos

MANILA, Philippines — May lason umano ang mga smuggled vape product na nakumpiska at winasak ng Bureau of Customs (BOC) kahapon ng umaga.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos saksihan ang pagdurog sa P3 bilyon e-cigarettes sa compound ng BOC sa South Harbor sa Port Area, Manila na ilegal na nakapasok sa bansa.
Pinuri rin ni Marcos ang efforts ng Bureau of Customs (BOC), Department of Finance (DOF) at Department of Trade and Industry (DTI) para mapigilan ang talamak na smuggling ng nasabing mga vape products at pagbebenta lalo na sa mga menor-de-edad.
Subalit ang pinaka seryosong problema aniya na ang mga kumpanyang walang documentation,walang inspeksyon at ang iba ay nakitaan na may lason na nakapasok sa liquid na ginagamit na pang-vape kung saan target nitong bentahan ay ang mga bata.
“Kaya’t lalung-lalo na nakakabahala dahil kung titingnan natin ‘yung packaging – ‘yung packaging talagang para sa bata. Kaya ang target market nila bata”, pahayag pa ni Marcos.
- Latest