De kalidad na edukasyon, job opportunities at serbisyong medical isusulong ng Pinoy Partylist
MANILA, Philippines — Walang mamamayang maiiwan sa mga isusulong na programa, partikular ang mga miyembro ng indigenous communities.
Ito ang siniguro ng Pinoy Partylist at ipinangako ang pagbibigay ng mas maayos na access sa edukasyon, job opportunities, at healthcare.
Ayon sa partylist group, hindi lang nito basta layuning makakuha ng pwesto sa Kongreso kundi nais nitong magsilbing boses para sa marginalized groups at upang maiangat ang kalidad ng kanilang pamumuhay.
Ilan lamang sa mga programang pagtutuunan ng Pinoy Partylist ay ang mga may kaugnayan sa edukasyon, livelihood at kalusugan ng mga mamamayan.
Layon ng Pinoy Partylist na masigurong lahat ng mga bata ay may access sa maayos na edukasyon sa pamamagitan ng pagsusulong ng scholarship programs at pagpapatayo ng mas maraming paaralan lalo na sa malalayong lugar.
Isusulong din ng Pinoy Partylist ang mas maraming livelihood programs, skill training at suporta sa maliliit na negosyante at tiniyak na walang maiiwang Pinoy lalo na ang mahihirap pagdating sa serbisyong medikal.
- Latest