^

Police Metro

China pinondohan seminar ng Pinoy vloggers

Joy Cantos - Pang-masa
China pinondohan seminar ng Pinoy vloggers
Ito ang inamin ni dating Presidential Communications Office (PCO) Sec. Trixie Cruz-Angeles sa pagdinig ng Kamara kama­kalawa hinggil sa talamak na mga fake news at online disinformation sa social media platform.
KJ Rosales

MANILA, Philippines —  Pinondohan umano ng pamahalaan ng China ang mga vloggers at social media influencer na ma­yorya ay mga pro-Duterte sa pagdalo ng mga ito sa isang seminar sa nasabing bansa.

Ito ang inamin ni dating Presidential Communications Office (PCO) Sec. Trixie Cruz-Angeles sa pagdinig ng Kamara kama­kalawa hinggil sa talamak na mga fake news at online disinformation sa social media platform.

Sa pagdinig, tinanong ni Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez si Cruz-Angeles tungkol sa National Radio and Television Administration (NRTA) ng China at ang papel nito sa pagsasanay ng mga mamamahayag mula sa iba’t ibang bansa.

Ipinakita ni Suarez ang isang larawan ng mga dumalo sa NRTA seminar, kung saan kasama si Cruz-Angeles at iba pang vloggers na pro-Duterte, na kinumpirma naman ng huli na training programs sa mga media practitioners mula sa iba’t ibang mga bansa.

Pinangalanan niya ang ilan sa mga dumalo sa seminar na ginanap mula Mayo 23-Hunyo 5, 2023, sa China.

“Myself, Pia Morato, Tio Moreno – who was there as a journalist and I think an information officer – Mr. Mark Lopez and Attorney Ahmed Pag­linawan,” saad ni Cruz-Angeles.

Sa masigasig na pagtatanong ni Suarez, ­inamin ni Cruz-Angeles na ang seminar ay “sponsored,” kung saan sinagot ng gobyerno ng China ang pamasahe, tirahan, at gastos sa seminar.

Nabulgar pa sa pagdinig na mismong sa Chinese Embassy nagmula ang imbitasyon na regular umanong humihirang ng mga iimbitahan at posibleng kalahok sa ganitong uri ng mga programa.

Inihayag pa ni Cruz-Angeles na ipinakilala rin sa mga dumalo sa seminar ang mga bagong uso sa social media kabilang na ang paggamit ng mga bagong pamamaraan gaya ng maik­ling video at ma­ging ang background sa China.

PCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with