Mayor Lacuna inalok ni PBBM na maging PhilHealth prexy
MANILA, Philippines — Ikinatuwa ni Manila Mayor Honey Lacuna ang tiwala sa kaniya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa alok na maging president ng PhilHealth, subalit mas pinili niyang manatili bilang alkalde ng lungsod.
Nabatid ito matapos ang interview ng isang beteranong broadcaster na si Anthony “Tunying” Taberna kay Lacuna sa isang radio program.
Sagot ng mayora sa katanungan ni Taberna hinggil sa kung tatanggapin niya ang alok, “In passing nagsabi po si Secretary Herbosa... Ang sagot ko po, hindi ko forte ‘yan. Hindi po ako aalis bilang alkalde.”
Matapos sagutin ni Lacuna ang katanungan ay saka lamang sinabi ni Taberna na nasabi sa kaniya I Pang. Marcos Jr. na siya ang napipisil na iupo bilang PhilHealth President, bilang medical doctor subalit hindi aniya, tinanggap ang posisyon.
Ikinuwento rin ng Taberna na ang tiwala ni PBBM kay Lacuna ay tulad rin ng tiwala ng kaniyang ina na si dating Unang Ginang Imelda Marcos, sa ama naman ni Lacuna na si dating Vice Mayor Danny lacuna, noong Metro Manila governor pa ang ina.
- Latest