BIR sa taxpayers: Mag-file ng ITR bago ang April 15 deadline
MANILA, Philippines — Hinikayat ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga taxpayers na magbayad ng tama at mag-file ng kanilang annual income tax returns (ITR) bago sumapit ang deadline sa April 15, 2025.
Sa kanilang 2025 Regional Tax Campaign Kick-off na isinagawa ng BIR sa Quezon City na may temang “Buwis na Tapat, Tagumpay Nating Lahat,”hiniling ng BIR sa mga taxpayers na magbayad ng buwis sa takdang panahon upang makalikha ang pamahalaan ng pondo para sa economic recovery at development ng gobyerno.
Ang mga taxpayers ay maaaring magbayad ng kanilang buwis sa online sa pamamagitan ng Electronic Filing and Payment System o ng Electronic Bureau of Internal Revenue Forms na maaaring mai-access sa BIR website.
Maaari ring magbayad ng buwis sa alinmang authorized agent bank ng BIR at sa alinmang revenue district offices ng ahensiya.
Sa mga may katanungang taxpayers, maaaring makipag-ugnayan sa BIR sa pamamagitan ng kanilang Digital Assistant o chatbot na “Revie”.
- Latest