^

Police Metro

Dahil sa matinding init: Klase sa Metro Manila, sinuspinde

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pang-masa
Dahil sa matinding init: Klase sa Metro Manila, sinuspinde
Sinuspinde kahapon ng Araullo High School sa Manila ang kanilang afternoon classes dahil sa heat index na iniulat ng PAGASA.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sinuspinde kahapon ng Department of Education at mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang klase sa hapon sa lahat ng pri­bado at pampublikong paaralan.

Ito ay kasunod ng pagtataya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na high heat index na 46.

Iniulat kahapon ng DepEd na ang Manila; Malabon; Para­ñaque; Las Piñas; Pasay at Marikina ay agad na sinuspide ang mga klase sa lahat ng leval sa public, at private schools na kanilang nasasakupan.

Sa Marikina ay maaga pa lang pinauwi na ang mga estud­yante ng pang-umaga.

Samantala sa Valenzuela at Caloocan ay sinuspinde ang klase ng mga estudyante mula sa kindergarten hanggang senior high school students sa public schools.

Ang on-site class suspensions ay dahil sa sobrang init ng panahon kaya’t nagsuspinde ang DepEd ng mga klase.

Magugunita noong nakalipas na taon ay libong paaralan ang nagsuspinde ng klase noong Marso hanggang Abril dahil sa sobrang init ng panahon.

HEAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with