2 Russian scuba diver, nalunod, 1 sinakmal ng pating
MANILA, Philippines — Nasawi ang dalawang Russian diver na nag-scuba diving sa bahagi ng Pulong Bato sa Verde Island sa Batangas City na kung saan ang isa ay sinakmal pa ng pating nitong Huwebes ng hapon.
Kinilala ni Batangas Coast Guard Station Commander, Cpt. Airland Lapitan ang mga nasawing biktima na sina Ilya Perigudin, 29 at Maksim Melekhov, 39.
Sa imbestigasyon ng Coast Guard-Batangas na nagda-diving ang apat na Russian divers nang magkahiwa-hiwalay sila dahil sa biglang paglakas ng agos ng tubig.
Nagawa namang makaahon agad ang dalawa pang kasamahang diver ng mga nasawing biktima.
Unang narekober ang katawan ni Perigudin at mabilis na itinakbo sa St. Patrick Hospital sa Batangas City, pero ideneklara na itong dead-on-arrival.
Samantala, bandang alas-5:30 ng hapon nang mamataan ng search and rescue team ng PCG-Batangas ang bangkay ni Melekhov na putol na ang kanang kamay.
“Posibleng inatake ng pating ang isa sa mga biktima kaya naputol ang isang kamay nito” ani Capt. Lapitan.
- Latest