^

Police Metro

Mag-utol na paslit nilamon ng ilog

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang magkapatid na batang lalaki ang nasawi nang sila ay nalunod habang naliligo sa Bicol River, Zone-1 ng Brgy.Mambayawas, Libmanan, Camarines Sur, kamaka­lawa ng tanghali.

Kapwa walang malay ang magkapatid na kinilala lamang na si Noel, 11-anyos at Nilo, 10-anyos nang matagpuan ng rescue team at mabilis na isinugod sa Libmanan District Hospital pero idineklarang dead on arrival.

Sa ulat, uwian na ng mga bata mula sa elementary school at dahil wala na umano silang pasok sa hapon ay naisipang maglaro at maligo sa ilog ng magkapatid kasama ang tatlong iba pa. Gayunman, dahil hindi masyadong marunong lumangoy ay kapwa ito lumubog sa ilalim at hindi na nakita pa ng mga kalaro. Isang bata ang mabilis na nagsabi sa nanay na hindi na nila nakitang muling lumutang ang magkapatid na agad humingi ng saklolo.

Ginalugad ng mga kasapi ng rescue team ang ilalim at kahabaan ng Bicol River para hanapin ang magkapatid at alas-2:55 na ng hapon nang sila ay matagpuan.

LUNOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with