3 sakay ng motor utas sa overtake
MANILA, Philippines — Tatlong sakay ng isang motorsiklo ang nasawi nang pumailalim sa nakaparadang trak nang mawalan umano ng kontrol sa pag-overtake habang bumabagtas sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Real, Calamba City, Laguna, kamakalawa.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jayson Trenia, 27, rider, ng Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City at dalawang angkas na sinaXander Udtohan Asor, 26; at Ruben Radillos Gelaga, 27, ng Binangonan, Rizal na kapwa mga celpone technician.
Nasa kustodiya ng driver ng Isuzu dropside na truck na kinilala sa alyas na Rod, 38, may-asawa, residente ng Brgy. Concepcion, San Pablo City, Laguna.
Sa imbestigasyon, ala-1:00 ng madaling araw ay pansamantalang pinarada ni alyas Rod ang minamanehong Isuzu Forward dropside truck (MAR 1691) nang ang motor ng mga biktima nang ito umano ay nag-overtake.
Pawang mga napuruhan sa mga ulo ang mga biktima na naging dahilan ng agarang pagkamatay ng mga ito.
- Latest