^

Police Metro

Pinsan ni FL Liza Marcos, inaresto sa estafa

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) chief PMGen. Nicolas Torre III na may basbas ng Malacañang ang pag-aresto sa pinsan ni First Lady Liza Araneta Marcos na si Margarita “Maggie” Cacho, na tumatakbong gobernador sa Guimaras matapos na madakip sa entrapment operation dahil sa kasong swindling.

Ayon kay Torre, sumulat sa kanila si Special Envoy to Transnational Crime Ambassador Marcos Lacanilao upang hulihin na si Cacho ng Barangay Sabang, Sibunag, Guimaras na tumatakbo bilang governor sa lalawigan ng Guimaras.

Sa kanyang mismong bahay sa Bgy. Sabang sa bayan ng Sibunag, Guimaras, dinakip si Cacho at kanyang katiwala na si Cayetano Leal, 48, residente ng Brgy. Misi, Lambunao, Iloilo.

Dalawa ring miyembro ng Philippine Coast Guard na sina Apprentice Seaman Marwin Parpan, 31, mula sa Dipolog City, at Seaman Second Class Rico Maylan, 27, mula sa Sandulot, Siaton, Negros Oriental na nagsisilbing personal security ni Cacho ang binibit din ng mga otoridad at kinumpiska sa dalawang PCG personnel ang 2 unit ng caliber 45 na baril at mga bala.

Sinabi naman ni PRO 6 Director PBGen. Jack Wanky na ginagamit ni Cacho ang kanyang magiging malapit umano sa First Family upang makapanloko.

Nabatid na hiningan ni Cacho ang complainant ng P1 milyon para sa proyektong Private Motor Vehicle Inspection Center-Emission Testing Center ng Department of Transportation.

Una na nang nagbigay ng P400,000 ang complainant kay Cacho noong Setyembre hanggang sa mangulit ito sa halagang P600,000 upang ma “secure” ang kontrata sa DOTr.

Nahaharap sa mga reklamong estafa sina Cacho at Leal.

LIZA ARANETA MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with