Mga taga-Pasig naghahangad ng bagong liderato

MANILA, Philippines — Gusto na ng mga residente sa Pasig City na magkaroon ng pagbabago sa liderato sa lungsod kasunod ng kabiguan umano ng kasalukuyang administrasyon na maipatupad ang mga plano nito gaya na lamang ng pagkakaroon ng housing projects, job creation, health facilities at bagong paaralan. Humihiling din ang mga taga Pasig ng accountability sa mga infrastructure projects sa lungsod na hindi natapos at kwestyonableng pag-award ng local projects sa mga contractor.
“As service delivery falls short, infrastructure crumbles and mismanagement from the Pasig leadership continues unabated, frustrated residents and several civil society organizations now have a chance to replace Pasig Vico Sotto in the coming May 2025 national and local polls,” ayon sa isang political analyst.
Ayon sa isang city councilor pinondohan ng malaki ang mga walang saysay, at irregular expenditure, at unfunded budgets. Dumating pa aniya sa punto 75 percent ng pondo ng lungsod ay nauuwi na lang sa pagpapasuweldo.
Kinuwestyon din ang paggasta ng alkalde ng bilyon-bilyong pondo para sa bagong municipality building gayong maaari sanang magamit ang pondo sa mas mahalagang bagay gaya ng bagong ospital at bagong school buildings.
Bagaman naibsan ang korapsyon sa lokal na pamahalaan, maituturing naman umanong nasa “state of decay” ang sitwasyon ng mga staff ng city hall.
- Latest