^

Police Metro

Trike vs truck: Tatay, 2 bata todas

John Unson - Pang-masa
Trike vs truck: Tatay, 2 bata todas
Sa mga hiwalay na ulat nitong Huwebes ng Zamboanga del Norte Provincial Police Office at ng Police Regional Office-9, hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang 32-anyos na tricycle driver na si Ronnie Acoymo Merafuentes, ang kanyang anak at pamangkin na parehong mga lalaking Grade 3 pupils sanhi ng aksidente.
Illustrate by John Villamayor

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang nasawi, kabilang ang dalawang bata, sa banggaan ng isang tricycle at truck sa Barangay Cogon sa Dipolog City, Zamboanga del Norte nitong umaga ng Miyerkules.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Huwebes ng Zamboanga del Norte Provincial Police Office at ng Police Regional Office-9, hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang 32-anyos na tricycle driver na si Ronnie Acoymo Merafuentes, ang kanyang anak at pamangkin na parehong mga lalaking Grade 3 pupils sanhi ng aksidente.

Ayon kay Lt. Col. Edwin Duneceho Verson, chief of police sa Dipolog City, isa pang pamangkin ni Merafuentes na lalaking 14-anyos na estudyante, sakay din ng naturang tricycle, ang malubha ang kalagayan sanhi ng aksidente.

Ayon kay Verson, ihahatid sana ni Merafuentes sa paaralan ang mga menor-de-edad na sakay ng kanyang tricycle nang sila ay mabanggga ng kasalubong na malaking truck na may lulang mga bagong motorsiklo na ihahatid sana sa mga dealers sa ibat-ibang lugar sa Dipolog City at mga karatig na bayan sa Zamboanga del Norte.

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with