Patay na sanggol iniwan sa washing machine
MANILA, Philippines — Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) kaugnay sa isang babae na umano’y nag-iwan ng kanyang bagong silang na sanggol sa loob ng washing machine sa Quezon City.
Batay sa report, bandang alas-12:00 ng madaling araw nitong Miyerkules nang makita ang patay na sanggol na lalaki sa loob ng washing machine sa comfort room sa 3rd Floor ng Block 5 No. 205 E. Rodriguez Sr. Avenue, Barangay Damayang Lagi, Quezon City.
Ayon sa saksing si “Divine”, nilapitan siya ng biktimang si “Riza” at nagmamadaling gumamit ng CR.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ng CR si “Riza” habang pumasok naman si “Divine” at nakita ang sanggol na nasa palanggana na nasa washing machine.
Dito na humingi ng tulong ang saksi sa mga barangay officials ng Barangay Damayang Lagi habang dinala sa East Avenue Medical Center (EAMC).
Inaalam na ng pulisya kung miscarriage o abortion ang nangyari.
- Latest