^

Police Metro

Mga Pinay na mas pabor sa live-in setup kaysa ikasal, dumarami – survey

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lumabas sa isang 2022 survey ng Commission on Population Development na dumarami ang Pilipinang babae ang mas pinipili ang live-in kaysa sa kasal.

Base sa National Demographic and Health Survey na 19% ng kababaihang edad 15 hanggang 49 ay nasa live-in setup, mula sa 5% noong 1993. Samantala, bu­maba ang porsyento ng mga ikinasal mula 54% noong 1993 sa 36% noong 2022.

Ayon kay Nestor Castro, isang anthropologist, nagbago ang pananaw ng mga Pilipino sa pamilya dahil pareho nang nagtatrabaho ang mag-asawa at nakikisalamuha sa iba, na maaaring makaapekto sa relasyon.

Sa kabilang banda, hinihikayat naman ng Simbahang Katolika ang mga matagal nang magkasama na magpakasal, dahil naniniwala silang ang tunay na pundasyon ng matibay na relasyon ay komunikasyon, hindi labis na pagpapahalaga sa pisikal na aspeto ng pagsasama.

LIVE IN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with