10 Taguig police sinibak sa puwesto
Pumasok sa bahay na walang search warrant…
MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ang 10 pulis kabilang ang isang opisyal ng Taguig Police dahil sa umano’y pagsilbi ng isang illegitimate search warrant sa isang lalaki sa Taguig City, noong Linggo, Pebrero 9.
Ito’y kaugnay sa naging viral video sa Facebook mula sa post ng isang Cloe Amore na pagpasok sa isang bahay ng mga pulis sa Barangay Napindan.
“NCRPO does not and will not tolerate any misconduct or abuse of power by any member of the police force. Strict adherence to the police procedures and observance of the rule of law are non-negotiable and any transgression will be dealth with severely,” bahagi ng pahayag ng NCRPO.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng Taguig City Police Station kaugnay sa insidente.
Ayon naman sa Southern Police District, ang mga sangkot sa insidente ay sasailalim sa pre-charge investigation at hinikayat ang mga saksi na makipagtulungan sa imbestigasyon.
- Latest