^

Police Metro

Digong planong tumakbong Presidente sa 2028

Joy Cantos - Pang-masa
Digong planong tumakbong Presidente sa 2028
Former president Rodrigo Duterte on October 28, 2024.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Kung matatanggal umano sa puwesto ang anak na si Vice President Sara Duterte sa pamamagitan ng impeachment ay pinaplano ni dating Pangulong Rodrigo “Digong “ Duterte na tumakbong muli bilang Pangulo sa 2028 national elections.

Ayon kay dating House Speaker at Davao del Norte First District Pantaleon Alvarez kuwalipikadong kumandidatong muli ang dating punong ehekutibo .

Sinabi ni Alvarez na hindi saklaw ng constitutional ban si Digong dahilan hindi naman ito reelectionist at nagpahinga ng ilang taon matapos ang anim na taong termino ng magwagi noong 2016 presidential elections.

Alinsunod sa itinatadhana ng Saligang Batas, bawal kumandidato ang isang Pangulo kung katatapos lamang ng termino nito pero sa kaso aniya ni Digong ay kuwalipikadong-kuwalipikado itong sumabak muli sa 2028 national polls.

 Si Alvarez ay kilalang kaalyado ni dating Pangulong Duterte simula ng ang huli ay kasalukuyan pang alkalde ng Davao.

Inihayag nito na marami pa ang puwedeng mangyari sa mga kaganapan sa pulitika partikular na sa pamilya Duterte.

Naniniwala si Alvarez na marami pa rin ang supporter ng dating Pangulo at malakas ang magiging laban nito sa kaniyang magiging mga katunggali sa presidential race sa 2028 national elections .

Sa kasalukuyan, ayon pa sa solon ay nakasubaybay ang dating punong ehekutibo sa maaring kahantungan ng inihaing impeachment laban sa anak na si VP Sara.

RODRIGO “DIGONG “ DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with