^

Police Metro

Comelec sinimulan na ang ‘Oplan Baklas’

Mer Layson - Pang-masa
Comelec sinimulan na ang ‘Oplan Baklas’
Nagsimula na kahapon magbaklas ang Quezon City-Department of Public Order and Safety (QC-DPOS) sa mga campaign posters na nakalagay sa mga puno at poste ng kuryente na bahagi ng local government’s Oplan Baklas sa unang araw ng kampanya.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Sa pagsisimula ng kampanya ay opisyal nang inilunsad ng Commission on Elections (Comelec) kahapon ng madaling araw ang ‘Oplan Baklas’ o ang pagtanggal ng illegal campaign materials.

Nagsimula ang sabay-sabay na operasyon kung saan ang iba’t ibang lokal na tanggapan ng Comelec at partner agencies ang nanguna sa kanilang sariling operasyon.

Mismong si Comelec Chairman George Erwin Garcia at iba pang opisyal ng poll body ang nanguna sa operasyong isinagawa ng poll body sa Tondo, Manila.

Aminado naman si Garcia na hindi nila maaaring alisin ang mga campaign materials na nakapaskil sa private properties dahil ang mga ito ay protektado aniya ng karapatan ng mismong may-ari ng naturang ari-arian.

Pinaalalahanan din naman ni Garcia ang mga kandidato na sundin ang tamang sukat ng mga campaign materials at ipaskil lamang ang mga ito sa designated common poster areas upang makaiwas sa parusa.

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with