Mga Pinoy pinag-iingat sa pagtaas ng kaso ng trangkaso sa Japan

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) ang isang advisory ng Philippine Embassy tungkol sa pagtaas ng kaso ng trangkaso sa Japan.
“Wala namang outbreak na sinasabi sa Japan pero nakita ng ating epidemiology bureau tumataas ang bilang ng mala-trangkasong sakit, influenza like illnesses sa Japan,” ayon kay DOH spokesman Asec. Albert Domingo.
Sinabi nito na ang mga kaso ng trangkaso sa Japan ay tumaas simula Nobyembre 2024 ngunit nagsimulang bumaba noong Enero.
Hinikayat ang mga Pilipinong bumibiyahe sa Japan na mag-ingat, maghugas ng kamay, magsuot ng face mask, takpan ang bibig kapag umuubo at manatili sa kanilang mga hotel at magpalakas kung sila ay may ubo, sipon at pangkalahatang panghihina ng katawan.
- Latest