^

Police Metro

‘Prinsipyong sintigas ng bato’, ipagpapatuloy ni Sen. Bato

Pang-masa

MANILA, Philippines — “Ako ang merong bato na paninindigan at hindi niyo ako mabibili. Hindi niyo ako mababayaran. Bato ‘yung aking prinsipyo pagdating sa kabutihan ng nakararami”.

Ito ang mariing pahayag ni re-electionist Senator Ronald “Bato” Dela Rosa kaugnay sa pagsisimula ng kampanyahan para sa May 12, 2025 mid-term elections partikular para sa national position.

Ayon kay Dela Rosa, kapag muli siyang nahalal at magkaroon ng panibagong termino sa Senado, paninindigan niya ng kanyang paniniwala at pagpapahalaga lalo na sa mga usapang direktang nakaaapekto sa mga tao.

Kabilang dito ang paglaban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng pagsusulong ng kaukulang batas hinggil dito, pagsuporta sa panukala hinggil sa political dynasties, illegal gambling, agricultural smuggling at iba pa.

Sinabi rin ni Dela Rosa na suportado niya ang mungkahing isapubliko ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN), pagpapalakas sa livelihood programs ng pamahalaan sa halip na magbigay lamang ng ayuda, legal na paggamit ng medical marijuana, pagbabalik sa death penalty para sa heinous crime at drug trafficking, at pagpapatupad ng legislated wage hike.

Dagdag pa ng dating naging hepe ng Philippine National Police (PNP), pabor siya sa paglilimita sa ibinibigay na confidential and intelligence funds (CIF) sa mga ahensiya ng pamahalaang may kaugnayan sa national security at law enforcement.

RONALD DELA ROSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with