Kalidad ng buhay ng mga Pinoy, humusay - survey

MANILA, Philippines — Mas mahusay ang kalidad ng buhay ng mamamayang Pilipino sa ngayon, kumpara sa nagdaang 12 buwan ng nakalipas na taon, ayon sa dalawang survey firm.
Sa pre-election survey na isinagawa nitong Enero 17-20, 2025, gamit ang face-to-face interview sa 1,800 rehistradong botante sa buong bansa ng Stratbase at Social Weather Stations (SWS), lumabas na 32% ng mga Pilipino (gainers) ang nagsabi na mas may kalidad ng buhay ang kanilang nadarama, habang 25 % ang nagsabing lumala ito (losers.)
Nasa 43% naman ang ang nagsabing walang nagbago kumpara sa isang taon na ang nakalipas.
Ang eksaktong survey questions ay ang “Kung ikukumpara ang uri ng inyong kasalukuyang pamumuhay sa nakaraang 12 buwan, masasabi ba ninyo na ang uri ng inyong pamumuhay ay Mas Mabuti Kaysa Noon, Mabuti Kaysa Ngayon, Kapareho Ng Dati, o Mas Masama Kaysa Noon?”
Nalaman ng survey na ang mga net gainers ay nakakuha ng pinakamataas na score sa Balance Luzon sa napakataas +13, na sinundan ng Metro Manila sa high +9, Visayas sa high +2, at Mindanao sa fair.
Ayon sa Stratbase-SWS, ang 6 na puntos na pagbaba sa nationwide Net Gainers score mula Disyembre 2024 hanggang Enero 2025 ay dahil sa pagbaba sa lahat ng lugar maliban sa Balance Luzon.
- Latest