^

Police Metro

Termino ni PNP Chief Marbil, pinalawig

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang termino ni Phi­lippine National Police Chief Pol. Gen. Rommel Francisco Marbil ng apat na buwan, epektibo sa February 7, 2025, ang araw ng kaniyang pag­reretiro.

Batay sa memorandum order na may petsang February 4, 2025 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, inaprubahan ng Pangulo ang extension sa serbisyo ni Marbil na nakatakda sanang mag­retiro nitong Biyernes sa edad na 56.

Ang memorandum order ay ibinibigay ng Palasyo kay Department of Interior and Local Government Secretary Juanito Victor Remulla.

Naunang inihayag ng Pangulo na naabutan ng panahon ng kampanya ang pagreretiro ni Marbil kaya pinalawig ang kaniyang termino upang magtuluy-tuloy ang operasyon ng PNP at ma­ging maayos ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan hanggang sa matapos ang eleksyon.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with