MANILA, Philippines — Nasa 66 senatorial candidates ang opisyal na maglalaban-laban para sa 12 upuan sa senado sa May 2025 midterm polls.
Ito ang inanunsyo kahapon ni Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Erwin Garcia na ang mga pangalan ng mga kandidato ay iimprenta sa mga opisyal na balota.
Aniya sa susunod na linggo ay ilalabas ang ballot faces para sa buong bansa at pinal na ang 66 na kandidato para sa senador, dahil hindi nakakuha ng temporary restraining order mula sa Korte Suprema ang 117 iba pang kandidato na idineklarang nuisance candidate.
Kasabay nito, pinaalalahanan ni Garcia ang 66 na kandidato na magiging alphabetical ang kanilang paglalagay sa balota na simulan ang pag-imprenta sa unang bahagi ng Enero.
Binanggit din ni Garcia na inurong nila ang simula ng pag-imprenta ng mga balota mula sa kalagitnaan ng Disyembre hanggang unang bahagi ng susunod na taon upang magkaroon ng panahon na resolbahin ang mga nakabinbing mga nuisance cases.