Davao City Hall magiging ‘one text away’ sa mga residente - Nograles

MANILA, Philippines — Muling binigyan-diin ni dating Davao City lawmaker Karlo Nograles ang kahalagahan at panga­ngailangan ng isang epektibong pa­raan upang mas madaling makadulog sa lokal na pamahalaan ng Davao City ang mga mamamayan nito. “Kailangan ang City Hall, one SMS or Facebook Messenger text away lang. This way, we reassure Davaoeños that their city government listens to their needs and concerns,” wika ni Nograles, na kandidato sa pagka-alkalde ng natu­rang lungsod. Giit ng dati ring naging chairperson ng Civil Service Commission (CSC), dapat magkaroon ang city hall ng ‘responsive public repor­ting system’ para matiyak na mabilis nitong matutugunan ang bawat ipinaaabot sa kanila ng mga nasasakupang residente. “Such system should go beyond an automated reply, but rather one that replies fast and responds quickly,” mariing sabi pa ni Nograles.

Anya,tayo ang inaasahan ng ating mga kababayan para tugunan ang kanilang pangangaila­ngan kaya dapat mapanatag ang loob nila na tunay na pinakikinggan ng City Hall ang mga hinaing at problema nila.

Iminungkahi rin ni Nograles ang pagsasagawa ng regular na town hall meetings, na maaring isang “virtual and in person” program ng pamahalaang panglunsod kung saan ang mga Davaoeño ay mabibigyan ng pagkakataon na maiparating ang kanilang saloobin at dapat namang bigyan ito ng kaukulang aksyon ng city hall.

Show comments