Kaya ‘di maiwan...
MANILA, Philippines — Matagal na aniyang may “relasyon” sina Vice President Sara Duterte at ang kanyang chief of staff na si Zuleika Lopez.
Ito ang ibinunyag kahapon ng dating kolumnista na si Ramon Tulfo sa kanyang Facebook account.
Sa social media post, nagtanong si Tulfo kung bakit ayaw iwanan ni VP Duterte ang kanyang chief of staff na si Lopez na ilang araw nang nasa Batasang Pambansa detention facility.
Si Lopez ay nasa kustodiya ng House of Representatives quad committee matapos siyang i-cite in contempt dahil sa umano ay pagsisinungaling sa mga testimonya kaugnay sa confidential at intelligence fund ng office of the Vice President.
Ayon sa dating beteranong kolumnista, lubha ang pangangalaga ng Bise Presidente sa kanyang Chief of Staff kaya nagdesisyon siyang samahan ito sa piitan ng Kamara na ipinagtataka naman aniya ng mga kongresista.
“Ok, ito ang sagot: Si Sara at Zuleika ay matagal magkasintahan,” nakasaad pa sa FB post ni Tulfo.
Matagal na rin aniyang alam ng mga taga-Davao ang relasyon nina Sara at Zuleika.
“Di ba ninyo nahahalata” Sara is a dyke or lesbian. Tomboy or AC-DC siya. Pwedeng sa lalake at sa babae. Siya ay bisexual,” pahayag pa ni Tulfo.