Hirit na extension sa medical furlough ni Quiboloy, pinagbigyan ng korte
MANILA, Philippines — Pinayagan ng Pasig RTC ang hirit na extension ng medical furlough ni Pastor Apollo Quiboloy dahil sa dental issue.
Ito ang kinumpirma ng abogado ni Quiboloy na si Atty. Israelito Torreon sa ambush interview bago ang pre-trial sa Pasig RTC 159 kaugnay sa qualified human trafficking case at iba pa nitong co-accused.
Sinabi ni Atty. Torreon, na nagkaroon ng impeksyon sa panga si Quiboloy matapos ang dental implant operations nito.
Nabatid na kababalik lang noong November 16 sa Camp Crame si Quiboloy matapos ang kaniyang medical furlough kung saan dinala siya sa Philippine Heart Center dahil sa paninikip ng dibdib at irregular heart beat.
Samantala, hindi nakadalo si Quiboloy ng physical sa pre-trial at sa halip ay nag-video conference lang ito dahil kinonsidera ng korte ang logistical at security concerns kaya hindi na siya ibiniyahe mula sa PNP Custodial Center.
- Latest