Dadalaw sa lamay ng kaanak… Mag-asawa, anak na dalagita utas sa road crash

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang mag-asawa at anak nilang dalagita matapos ang sinasakyan nilang motorsiklo ay sumalpok sa likurang bahagi ng isang pick-up truck, kamakalawa ng gabi sa San Dionisio, Iloilo.
Kinilala ang mga nasawi na sina Artemis Arabe,64;misis na si Rosemarie,58;at anak nila na si Angelie Arabe, 15, kapwa residente ng Barangay Cubay, San Dionisio.
Sa ulat, dakong alas-7:10 ng gabi ay sakay ng motorsiklo ang mga biktima at patungo sa bayan ng Estancia upang makipaglamay sa kaanak na namatay.
Habang patungo sa Barangay Canas, San Dionisio nang masalpok ang kanilang 7 Kawasaki Bajaj CT 100 motorcycle na Toyota Hi-Lux pick-up truck na minamaneho ng isang 26-anyos na lalaki na residente ng Barangay Poblacion Ilaya, Calinog, Iloilo na umano’y nagsabi na hindi niya nalaman na nasalpok ang tatlong biktima na walang mga suot na helmet at nakaladkap pa ng 100 metro.
- Latest