Bagyong Marce nag-landfall sa Cagayan

Satellite rendering shows Typhoon Marce (international name: Yinxing) taken as of 11:00 a.m. on Nov. 6, 2024.
PAGASA

MANILA, Philippines — Nag-land fall kahapon sa Northeastern Cagayan ang bagyong Marce.

Nabatid na alas-5:00 ng hapon kahapon ang sentro ni Marce ay namataan ng PAGASA sa bisinidad ng Santa Ana, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 175 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 240 kilometro bawat oras.

Nakataas ang Signal No. 4 sa northern portion ng Cagayan (Gonzaga, Santa Ana, Santa Teresita, Lal-Lo, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Gattaran, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes, Lasam)kasama na ang  Babuyan Islands, northern portion ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Flora, Calanasan, Pudtol), northern portion ng  Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Vintar, Dumalneg, Adams, Bacarra, Pasuquin, Burgos). Signal No. 3 sa Batanes, nalalabing bahagi ng Cagayan, nala­labing bahagi ng Apayao, na­lalabing bahagi ng Ilocos Norte,  northern portion  Abra (Tineg, Danglas, Lagayan, Lacub, San Juan, La Paz, Bangued), northern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo).

Show comments