MANILA, Philippines — Dalawamput limang taon na kulong ang hatol ng korte sa isang graphic artist na nag-utos ng panggagahasa sa mga batang babae sa Pilipinas upang mapanood niya sa pamamagitan ng livestreaming.
Napatunayan ng Paris court na guilty nitong Huwebes si Bouhalem Bouchiba, 59, nang pakikipagsabwatan sa panggagahasa sa daan-daang batang babae at sa human trafficking kaugnay sa panonood ng child pornography online.
Si Bouchiba, ay nagtrabaho sa Pixar at Disney animation studios, ang may likha ng blockbusters animated films na “The Incredibles” noong 2004 at “Ratatouille” ay binabayaran ang mga batang Pinay ng 50 hanggang 100 euros ($54-$108) bawat palabas na binibigyan ng instruction sa gagawing rape at sexual assault habang naka-live stream.