^

Police Metro

Ex-PCSO chief, itinurong utak sa ambush/slay sa PCSO official

Joy Cantos - Pang-masa
Ex-PCSO chief, itinurong utak sa ambush/slay sa PCSO official
Composite photo shows Napolcom Commissioner Edilberto Leonardo and former PCSO general manager Royina Garma attending the House quadcom's seventh public hearing on Sept. 27, 2024.
House of Representatives / Releasae

MANILA, Philippines — Ibinulgar ni P/Lt. Colonel Santie Fuentes Mendoza, aktibong opisyal ng PNP Drug Enforcement Group sa kaniyang testimonya sa pagdinig ng Quad Comm na si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Ma­nager Royina Garma ang mastermind o nag-utos ng ambush-slay kay dating P/Brig. Gen. Wesley Barayuga, dating PCSO Board Secretary noong 2020 sa Mandaluyong City.

Ayon kay Mendoza, sinabi sa kaniya ni P/Col. Edilberto Leonardo na si Garma ang may utos na patayin si Barayuga na umano’y sangkot sa illegal na droga.

“Sinabi ni Colonel Leonardo na ang pagsasagawa ng proyektong ito ang magdidikta sa direksyon ng aking karera bilang isang pulis,” ayon kay Mendoza kung saan noong una ay nag-aalinlangan siya dahilan isang PCSO official ang target pero sinabi ni Leonardo na hindi na kailangan sapagkat ibibigay na sa kaniya ang profile at plate number, kulay at uri ng sasakyan ni Barayuga.

Nabatid pa na pansamantalang naantala ang pagsasakatuparan sa kill plot dahilan may COVID-19 pandemic at nagpatuloy muli ito noong Hunyo 2020 kung saan kinontak ni Mendoza si Nelson Mariano, informer ng PNP para humanap ng gunman na kinilala naman sa alyas na Loloy.

Inihayag nito na matapos ang assassination kay Barayuga ay binayaran sila ni Garma ng P300,000 kung saan napunta ang P40,000 kay Mendoza at P60,000 naman kay Mariano habang ang P 20,000 naman ay napunta sa hitman.

Idinagdag pa ni Mendoza na dala ng bigat ng dibdib sa kaniyang konsensya ay napilitan siyang lumutang dahilan sa inosenteng tao ang ipinapatay sa kanila at iginiit din na boluntaryo ang kaniyang pagbibigay ng testimonya at walang pananakot para sa katotohanan.

vuukle comment

ROYINA GARMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with