DepEd dinoble ang ‘vacation service credits’ ng mga guro

Sa pahayag kahapon, ang taas-VCSs ay nakapaloob sa DepEd Order No. 13, s. 2024 na naglalayong mabigyan ng sapat na kompensasyon ang mga guro sa kanilang dagdag na oras sa pagtatrabaho.

MANILA, Philippines — Mula sa kasalukuyang 15 araw ay ginawang 30 araw na ng Department of Education (DepEd) ang vacation service ­credits (VSCs) ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Sa pahayag kahapon, ang taas-VCSs ay nakapaloob sa DepEd Order No. 13, s. 2024 na naglalayong mabigyan ng sapat na kompensasyon ang mga guro sa kanilang dagdag na oras sa pagtatrabaho.

“The revised order now entitles incumbent teachers with at least one year of service, as well as newly hired teachers appointed within four months after the start of classes, to 30 days of VSCs annually,” ayon sa DepEd.

“Additionally, newly hired teachers whose ­appointments are issued four months after the start of classes will receive 45 days of VSCs per year,” dagdag nito.

Paliwanag ng DepEd, ang VSCs ay leave ­credits na inani ng guro mula sa ibinigay nitong serbisyo sa panahon ng bakas­yon, Christmas vacation, weekends, at mga holiday, pati na ang para sa teaching overload.

Ang naturang service credits ay magagamit ng mga guro na pang-offset o pamalit kung sakaling hindi sila nakapasok dahil sa pagkakaroon ng sakit, personal na dahilan, o sa late ­appointments.

Sa ilalim ng bagong patakaran, makakakuha ang guro ng 1.25 hours ng VSC sa bawat oras ng kanilang eligible service na panahon ng pasukan. Ang ekstrang serbisyo na ginawa sa panahon ng Christmas breaks, summer breaks, weekends, o holidays, aani naman ang guro ng 1.5 hours sa VSC sa bawat oras.

Kapag hindi nabigyan ng kompensasyon sa overload pay ang guro sa kaniyang teaching overload, aani ang guro ng 1.25 hours ng VSC sa bawat oras ng kaniyang dagdag na pagtatrabaho. Bukod pa ito sa kanilang 30-day entitlement.

Show comments