Pekeng paracetamol, valium naglipana – FDA
MANILA, Philippines — Binalaan kahapon ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa pagbili at paggamit ng mga pekeng gamot tulad ng naglipanang paracetamol at valium na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan, sa halip na makaranas ng ginhawa.
Kinumpirma ng FDA, batay sa inilabas na advisories na may petsang Agosto 9, 2024, ang mga pekeng paracetamol na Biogesic 500 mg tablet, Phenylephrine HCI + Chlorphenamine Maleate + Paracetamol (Neozep®Forte) 10 mg/ 2 mg/ 500 mg Tablet1, at Diazepam (Valium®) 5 mg/mL (10 mg/2 mL) Solution for Injection (i.m/i.v.)”
Dahil dito, ang lahat ng healthcare professionals at publiko pinaalalahanan na sa mga establisimyentong lisensyado ng FDA lamang bumili.
Gayundin, ang lahat ng establisyemento ay binabalaang huwag magbenta ng pekeng gamot na nagtataglay ng mga nasabing katangian. Ang pag-aangkat, pagbebenta at pamamahagi nito ay paglabag sa Republic Act 9711 (Food and Drug Administration Act of 2009), at RA. 8203 (Special Law on Counterfeit Drugs). Ang sino mang mapatunayang nagbebenta ng nasabing pekeng produkto ay mapaparusahan.
Hinihiling sa lahat ng Local Government Units (LGUs) at Law Enforcement Agencies (LEAs) na tiyaking ang pekeng produktong ito ay hindi maibebenta o magagamit sa kanilang mga nasasakupan.
Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, maaaring mag-email sa [email protected]. Upang mag-report ng patuloy na pagtitinda o pangangalakal ng mga pekeng gamot, mag-email sa [email protected]. Maaari ring tumawag sa Center for Drug Regulation and Research sa numerong (02) 8809-5596. Para sa mga hinihinalang hindi kanais-nais na reaksyon sa gamot, i-report agad sa FDA gamit ang link na ito: https://primaryreporting.who-umc.org/Reporting/Reporter?OrganizationID=PH at kumpletuhin ang mga kinakailangang impormasyon.
- Latest