^

Police Metro

Solon nalito sa EO 13, pinagtawanan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binatikos at pinagtawanan ng legal experts si Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro kaugnay pag-unawa nito sa Executive Order No. 13 na inilabas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, habang dinidinig ang Philippine Offshore Gaming Corporation.

Lumilitaw na batay sa inilabas na E.O. No. 13 noong taong 2017 ni dating Pangulong Duterte, ma­linaw na nakasaad ang mga tungkulin ng mga ahensya na nagre-regulate ng sugal at nagpatibay sa mga umiiral na batas.

Ayon sa mga legal experts sa batas, malinaw na hindi ito naglikha ng bagong batas kundi sinigurado lang na ang mga lisensyadong operator lang ang maaaring magpatakbo ng online gaming, alinsunod sa mga batas na pinasa na ng Kongreso.

Subalit tila taliwas naman ito sa pahayag ni Luis­tro sa kanyang argumento na ang E.O. 13 ay sumaklaw sa kapangyarihan ng Kongreso na magpasa ng batas.

Sa ilalim kasi ng Republic Act No. 11590, na ipinasa ng Kongreso noong 2021, nagpapatibay ito ng kapangyarihan ng PAGCOR sa online gaming.

Kabilang sa ipinag-utos nito ay pag-require sa ang mga POGO na kumuha ng lisensya at magbayad ng buwis, kaya’t pinatibay ang regulasyon sa online gaming.

Anila, hindi lamang ito mali kundi nakasisira pa sa kredibilidad ng House of Representatives.

vuukle comment

EXECUTIVE ORDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with