Lasing na rider hulog sa tulay, patay
MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 29-anyos na binata nang mahulog sa tulay habang lasing na minamaneho ang kanyang motorsiklo, kamakalawa ng madaling araw Barangay Banugao, Infanta, Quezon.
Nabasag ang bungo dahil sa pagbagsak sa mga batuhan ang biktimang si Arjay Penaverde ng Barangay Gumian, Infanta Quezon.
Ayon sa pulisya, galing sa barangay night sa Barangay Agos-agos ang biktima at lasing na mimaneho ang isang Suzuki Raider, alas 2:40 ng madaling araw.
Habang binabagtas ng biktima ang NIA road ay nawalan ito ng kontrol sa manibela at bumangga sa kongkretong bahagi ng tulay hanggang tuluyang bumulusok at bumagsak sa batuhang sapa na agaran nitong ikinamatay.
- Latest