^

Police Metro

Ginang timbog sa P3.49 milyong shabu sa Pasay post office

Angie dela Cruz - Pang-masa
Ginang timbog sa P3.49 milyong shabu sa Pasay post office
Pinoposasan ng ahente ng PDEA ang isang ginang matapos masamsam sa kanya ang nasa P3.49 milyon shabu na nakalagay sa kahon mula sa New Delhi, India na kanyang kinuha sa Pasay City post office.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga otoridad ang isang ginang matapos masamsam sa kanya ang milyong halaga ng shabu nang kunin niya ang isang kahon mula sa Philippine Post Office sa Pasay City.

Ang suspek ay kinila­lang si Catherine Amatiaga, isang housekeeper.

Batay sa ulat, habang bitbit ni Amatiaga ang isang kahon na kinuha niya sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City ay pinigilan siya ng mga ta­uhan ng PDEA-NAIA-Inter Agency Drug Interdiction Task Group dahil sa pagdu­duda na ang laman ng isang metal container na idineklara bilang universal engine.

Nang buksan ay tumambad ang apat na pouch na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 514 gramo na nagkakahalaga ng P3.49 milyon.

Ayon sa Bureau of Cus­toms, nanggaling pa sa New Delhi, India ang nakum­piskang droga na  ipinadala ng isang Dewajani Pal ng Dwarka Sector 7, Rampal Chowk Palam Extension, Badlapur, South West Delhi at naka-consign sa isang Ashley Carao Alonzo, ng Krus na Ligas, Quezon City.

Inamin ni Amatiaga na binayaran lamang siya para i-claim ang nasabing­ padala at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Com­prehensive Dange­rous Drugs Act at Customs Moderni­zation Act. - Danilo Garcia

 

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with