^

Police Metro

Oil price rollback uli sa sunod na linggo

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang magandang balita­ sa mga consumer ang pani­bagong bawas-presyo ng produktong petrolyo sa su­sunod na linggo dahil sa pagbaba ng presyo sa world market sanhi ng banking crisis nang magsara ang ilang bangko sa US at Switzerland.

Ayon kay Unioil President Leo Bellas na may mahigit P1 ang inaasahang bawas sa presyo kada litro ng diesel at gasolina.

Batay sa unang apat na araw na oil trading, ang halaga ng imported na pe­troleum products ay ba­baba ng P1.45 kada litro sa diesel, P1.38 per liter sa gasolina at P1.99 per liter sa kerosene.

Nangangamba si Bellas­ na magkakaroon ng ma­babang demand sa petrolyo sa mga susunod na buwan na resulta ng banking crisis at recession jitters.

May inaasahan ding rollback sa presyo ng LPG sa April 1.

Sinabi naman ni Arney Ty, Presidente ng Regasco na ang contract price ng LPG ay bumaba ng $170 per metric ton pero may pitong araw pa bago masabing pinal na ang hakbang bago matapos ang buwan ng Marso.

vuukle comment

OIL PRICE ROLLBACK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with