P8 bilyong pondo matitipid Barangay elections planong ipagpaliban
MANILA, Philippines — Sinabi ni House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez na plano nilang ipagpaliban ang Barangay Election sa Disyembre 2022 na kung saan ay nasa P8B pondo ang matitipid ng pamahalaan.
Ayon kay Romualdez, napipisil na susunod na House Speaker, na isa ang barangay election sa unang tatalakayin sa pagbubukas ng 19th Congress, sa ngayon ay mayroong mga sumusuportang tserman na hindi ito ituloy para makatipid at mailaan ang pondo sa Covid-19 response.
Aniya, kung hindi magagamit ang pondo ay maaari itong maging savings na magagamit naman sa economic stimulus at ayuda sa publiko na siyang higit na kailangan lalo at nanatiling nasa ilalim ng pandemic ang bansa.
Noong nakaraang taon ay isang panukala na ang naihain sa Kamara na nagsusulong ng pagpapaliban ng December 2022 barangay gayundin ang Sangguniang Kabataan elections na nakaiskedyul sa May 2024.
Si incoming President Bongbong Marcos ay una nang nagsabing isusulong niya ang five-year term sa mga barangay officials.
- Latest