Pag-angkas sa motorsiklo sa panahon ng ‘new normal’

Isang konsiderasyon din na posibleng mas mababa ang tyansa ng hawaan sa pagmomotor dahil ang mga nakasakay ay nakasuot ng mask at helmet.
Photo Release

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagpapatupad ng quarantine measures ngayong panahon ng COVID-19 pandemic, pinag-aaralan ng Inter-agency Task Force (IATF) kung maaari nang payagan ang mga nakamotorsiklo na mag-angkas ng pasahero.

Ito ay upang matugunan ang pangangailangan sa transportasyon, lalo na’t hindi lahat ng pampublikong sasakyan ay pinapayagang mamasada.

Isang konsiderasyon din na posibleng mas mababa ang tyansa ng hawaan sa pagmomotor dahil ang mga nakasakay ay nakasuot ng mask at helmet.

Mas pabor din sa paggamit ng motorsiklo bilang transportasyon si Dr. Vicente Belizario Jr., Dean of the UP Manila College of Public Health, ayon sa kanyang pahayag kamakailan sa isang digital press briefing tungkol sa Motorcycle Taxi sa panahon ng coronavirus.

Ayon kay George Royeca, Chief Transport Advocate ng Angkas, isang app-based motorcycle taxi ride-hailing service, ay nagsumite na sila ng proposal sa IATF ng kanilang health and safety protocol na naglalayong sila ay muling payagang mag-operate. Kapag napayagan ay magkakaroon ng dagdag hanapbuhay ang libu-libong motorcycle riders at masosolusyonan din ang kakulangan sa pampublikong sasakyan ngayon.

Pampersonal man o panghanapbuhay, maraming mabibiling dekalidad na motorsiklo sa abot-kayang halaga, ayon sa Motortrade, ang pinakamalaking multi-brand motorcycle dealer sa bansa. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

  1. Yamaha Mio Sporty - SRP P66,900; monthly installment P3,392
  2. Suzuki Smash Drum - SRP P58,900; monthly installment P3,040
  3. Kawasaki CT 125 - SRP P50,900; monthly installment P2,750
  4. Honda BeAT 110 Fi - SRP P66,900; monthly installment P3,553
The Yamaha Mio Sporty.
The Suzuki Smash Drum.
The Kawasaki CT 125.
The Honda BeAT 110 Fi.

Ang Motortrade ay mayroong online loan application facility na naaayon sa social distancing recommendations ng IATF.

 

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa www.motortrade.com.ph o magtungo sa https://bit.ly/MNCApplyOnline.

Show comments