MANILA, Philippines — Nangangailangan ang Simbahang Katolika ng mga young volunteers na makakatulong sa religious services ngayong panahon ng pandemya.
“We need more volunteers now since there are new ministries to be created or strengthened because of our situation,” ani Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo.
Makakatuwang nila aniya, ang mga batang volunteers sa pagbibigay ng communion sa mga maysakit at matatanda na pupuntahan na lang malapit sa kanilang mga tahanan.
Gayundin ang pangangasiwa para sa physical distancing at disinfection ng mga simbahan. Umapela rin si Pabillo sa mga elderly volunteers na sila na ang mag-recruit ng isa o dalawang young volunteers na papalit sa kanila.