MANILA, Philippines — Labing-isang tero-rista ng New People’s Army (NPA) ang nasawi matapos matagumpay na mapigilan ng 401st Infantry “Unite N Fight” Brigade ng 4th Infantry “Diamond” Division ng Philippine Army ang binabalak nilang pag-atake sa Surigao Del Sur.
Ayon kay Captain Al Anthony Pueblas, tagapagsalita ng 4th ID, nakakuha ng tip ang militar sa mga lokal na residente tungkol sa malaking pagtitipon ng North Eas-tern Mindanao Regional Committee (NEMRC) ng NPA sa Andap Valley Complex, Surigao del Sur para guluhin ang COVID-19 relief efforts ng gobyerno.
Agad na nagsagawa ng sunud-sunod na security operations ang militar na nagresulta sa pagkubkob ng malaking kampo ng NPA na makaka-accommodate ng 150 tao, kung saan 11 NPA ang napatay.
Narekober din ng tropa ang limang firearms, dalawang laptops, isang overhead projector, flash drives, external hard drives, at iba pang mahahalagang gamit ng NPA.
Sa follow-up operations, nagkaroon pa ng limang magkakahiwalay na engkuwentro sa mga isolated area ng Andap Valley complex kung saan pinaniniwalaang lubhang nasugatan ang apat na top rank NPA officials na sina Myrna Sularte aka “Malaya”, secretary ng NEMRC; Alvin Loque a.k.a. “Joaquin Jacinto”, ang spokesperson ng Komisyon Min-danao (KOMMID); Alfie Masinatao Basa alyas “Momoy”, Vice CO ng Regional Headquarters (RHQ), NEMRC; at Lorna Pamutongan Gomez alyas “Momay”, medical staff ng RHQ, NEMRC.