MANILA, Philippines — Bigyan ng contraceptives ang mga mag-asawa upang maipagpatuloy ang Reproductive Health Law o Republic Act No. 10354 o pagplaplano ng pamilya dahil hindi mapipigilan ang kanilang pagniniig ngayong panahon ng lockdown.
Ito ang inihirit ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman dahil mahirap ipatupad ang “social distancing” ngayong lockdown at malamang na mabuntis aniya ang mga misis na delikado sa panahon ng COVID-19.
Sinabi ni Lagman na ang mga drug stores at pharmacies ay dapat may sapat na stock ng mga contraceptives at iba pang RH (Reproductive Health) supplies para sa mga nais makabili nito para sa family planning.