^

Police Metro

Kasapi ng ‘International Media’, 3 pa dinakip sa COVID-19 checkpoint

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Arestado ang isang kasapi ng “International Media” at tatlong “Federalism volunteers” matapos arestuhin dahil sa umano’y pambabastos ng pulis sa COVID-19 checkpoint sa Brgy Catotoran Norte, Camalaniugan, Cagayan noong Biyernes.

Sa report ng pulisya, dakong alas-6:30 ng gabi nang sitahin ng mga awtoridad ang sinasakyang traysikel ni Arlene Arellano, 49, kasama ang mga volunteers na sina Lovely May Sosa 27, Janet Sosa, 21, at drayber nilang si Isidro Siriban Jr., 43.

Dahil dito, nabagot na inagaw ni Arellano ang kanyang Press Card na pinagmamasdan ni P/Staff Sergeant Christian Espiritu saka pinagsabihang “Hindi mo ba ako kilala, International Media ako” at “Hindi ka ba naniniwala? Hindi naman peke yan.”

Dahil dito, inaresto ang apat dahil sa sinasabing paglabag sa alituntunin ng enhanced community quarantine saka sila dinala sa himpilan ng pulisya upang isailalim sa imbes­tigasyon.

FEDERALISM VOLUNTEERS

INTERNATIONAL MEDIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with