^

Police Metro

ACT-CIS: Mga establisyimento na may naganap na krimen dapat kasuhan!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Dapat managot at kasuhan ang mga may-ari ng business establishment kapag may nangyaring krimen sa loob ng kanilang  negos­yo tulad ng rape, violence against women and children at iba pa.

Ito ang isinusulong sa kongreso ni ACT-CIS partylist Rep. Eric Yap, dahil naantig ang kanyang damdamin noong mapanood niya sa social media partikular sa facebook at youtube ang ginawang panggagahasa ng isang 29-taong gulang na lalaki na anak ng isang AFP General sa isang 13-taong gulang na dalagita sa isang kilalang hotel sa Pasay City.

Sinabi ni Congressman Yap, magpa-file siya ng house resolution na magpapanagot sa mga may-ari ng establishment na pinangyarihan ng krimen o kaso lalo na kung minor ang mga biktima.

“Inabisuhan pala ng ina at ama ng bata ang management ng hotel, na yung kanyang anak ay ipinasok sa loob ng suspek bago ito magahasa, pero walang ginawa ang pamunuan ng hotel. Granting may consent yung bata, e’ minor yung biktima at sinusundo na ng magulang niya, yet walang ginawa ang hotel”  ani Cong. Yap.

Nailigtas lang ang bata matapos dumating ang mga tauhan ng Children and Women’s Desk ng PNP, pero nakatakas na ang suspek.

Nais ni Yap, na makasuhan ang mga business establishment ng accomplice o accessory to the crime kapag wala silang ginawa para mapigilan ang isang krimen na magaganap pa lang.

RAPE

VIOLENCE AGAINST WOMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with