2 baril at mga bala ni Cong. Garin, isinuko sa San Juan Police

MANILA, Philippines — Isinuko na ni Iloilo First District Representative Oscar Richard Garin Jr., ang kanyang dalawang baril at mga bala. 

Ito ang isinumiteng ulat ni San Juan City Police Chief, P/Senior Supt. Dindo Reyes, kay Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Bernabe Balba, 

Isang Jason Tabag na Political Affairs Officer 1 ni Cong.Garin ang naghatid ng mga armas dakong alas-8:00 ng umaga sa pulisya para kay Garin na residente ng Platinum 2000,  Annapolis, Greenhills, San Juan City.

Kabilang sa itinurn-over ng mambabatas ay ang mga armas na nasa information database ng Philippine National Police (PNP), kasama  ang HPRFL COLT 556 na may serial number na 909768 at apat na magazines at ammunitions, saka isang pistol BRSA na may serial number B85641 na may dalawang magazines.

Base sa dokumentong iprinisinta ni Tabag kay Reyes, nabatid na ang lisensya ng dalawang armas ay mapapaso sa Disyembre 11, 2019 na mayroong Permits to Carry Firearms outside of Residence at License to Own and Possess Firearms.

Matatandaang una nang itinurn-over ni Garin at ng kanyang amang si Guimbal Mayor Oscar Garin, sa Guimbal Municipal Police Station ang ilan sa kanilang mga armas nang kanselahin ni PNP Chief, P/Director ­General Oscar Albayalde, lahat ng gun permits at licenses ng mag-amang Garin matapos na gulpihin ang isang pulis noong Disyembre 26, 2018.

Show comments