Cellphone snatcher patay sa pulis

MANILA, Philippines - Isang snatcher ang nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital matapos na mabaril ng pulis na tinangka niyang agawan ng baril sa Quezon City kamakalawa.

Ang nasawing snatcher ay kinilalang si Joey Reyes, 29, binata ng 33 Matahimik St., Brgy. Malaya ng lungsod.

Batay sa ulat bago ang insidente dakong alas-9:00 ng umaga ay sakay ang isang Nemia Barriedo,19 ng pampasaherong jeep at paghinto sa  kahabaan ng Aurora Blvd., kanto ng JP Rizal St., Brgy. Marilag ay biglang hinablot ni Reyes ang cellphone nito na nagkakahalaga ng P15,000 at mabilis na tumakas.

Humingi ng tulong ang biktima sa QCPD Project 4 PS-8, at dito ay nagtungo sina SPO2 Joel During, PO3 Dominic Chan, PO1 Arnel Morales at PO1 Maralynne Avila sa Brgy. Malaya at nasilip  sa closed circuit television (CCTV) footage ang suspek na pumasok patungo sa Matahimik Street. 

Nakorner ni PO1 Morales ang suspek at hiniling na sumuko, subalit tinangkang agawan siya ng baril kaya’t pinaputukan niya ito sa tuhod.

Dinala sa ospital ang suspek at habang ginagamot ay nalagutan ito ng hininga.

Show comments