Kasabwat sa pagpatay at pagsunog sa bebot sa Olongapo, sumuko

MANILA, Philippines - Sumuko kamakalawa si Niño Dela Cruz, isa sa kasabwat sa pagpatay at pagsunog sa isang babae sa San Felipe, Zambales noong Hulyo 25.

Si Dela Cruz, ay sumuko  sa mga tauhan ng Phi­lippine National Police, Special Action Force at Force Intelligence and Investigation Division (PNP-SAF-FIID).

Sinasabing kasabwat ito ng suspek na si  Jonathan Dwayne Ciocon Vianne, na nanggahasa at pumatay sa biktimang si Aika Mojica sa Olongapo City.

Alas-12:00 ng tanghali sumuko si Dela Cruz kasama ang kanyang mga magulang kay  FIID Chief Supt. Jonas Amparo sa Starmall, Alabang, Muntinlupa City.

Itinangi ni Dela Cruz na  siya ang pumatay kay Mojica, pero inamin na siya ang nagtali ng mga  kamay,  paa, nagsuot ng bonnet at naglagay ng tape sa mukha ng biktima matapos siyang utusan ng suspek na  si  Vianne.

Dadalhin ng mga otoridad si Dela Cruz sa Zambales Provincial Police Office.

Show comments