Senators inisnab din ang earthquake drill

MANILA, Philippines - Mistulang gumaya ang mga senador kay Pangulong Noynoy Aquino nang isnabin din ang earthquake drill sa Senado.

Ganap na alas-10:30 ng umaga nang patunugin ang alarm system ng buong Senado at maging ng bomber na sinundan ng pagpatay ng linya ng kuryente.

Kahit pa walang sumipot na senador, aktibo namang nakilahakok ang mga staff at iba pang empleyado ng Senado.

Sinabi ni Senator Loren Legarda, chairman ng Se­nate committees on climate change and environment na hindi siya nakalahok sa earthquake drill dahil mayroon siyang speaking engagement sa United Nations University Institute for Advanced Study of Sustainability sa Ifugao State University.

Inihayag naman ni Sen. Grace Poe-Llamanzares na walang sesyon kaya walang mga senador pero dapat aniyang matiyak ng Senado ang kahandaan sa inaasa­hang lindol.

Si Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara ay hindi rin nakasali sa drill dahil naghahanda umano ito patungong Cebu.

Nabatid na inisnab din ni Pangulong Aquino ang earthquake drill sa Malacañang at nag-monitor na lang ito sa iba pang kaganapan ng eathquake dril sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Show comments