Oil firms muling nagrolbak ng presyo

MANILA, Philippines – Simula ngayong araw ay nagpatupad ng bawas presyo sa petrolyo ang ilang kumpanya ng langis.

Nagtapyas ang Petron Corporation ng kanilang presyo ng  P.95 kada litro ng premium at unleaded gasoline, P.80 sa kada litro ng diesel, at P1.25 sa kada litro ng kerosene.

Sumunod ang Phoenix Petroleum at PTT na kapareho ang tinapyas na presyo na P.95 kada litro ang tinapyas sa regular, unleaded at premium gasoline habang P.80 din sa kada litro ng diesel.

Wala pa namang pahayag ang iba pang kum­panya ng langis sa bansa ngunit inaasahan na susunod din ang mga ito sa panibagong galaw sa presyo ng petrolyo na umano’y dikta pa rin ng internasyunal na merkado. 

 

Show comments